Bea Alonzo, Dominique Roque

Bea Alonzo admits that she and boyfriend Dominic Roque have talked about getting married: “We would talk about the future, definitely in building a family, ganyan… I’m already in my 30s so hindi puwedeng hindi mapag-uusapan yan.”

Masaya at kuntento si Bea Alonzo, 35, sa piling ng kanyang nobyong si Dominic Roque, 32.

Ang muli raw niyang pagtaya sa pag-ibig matapos ang kontrobersiyal nilang hiwalayan ni Gerald Anderson noong July 2019 ang maituturing niyang “best thing” na ginawa niya sa ngalan ng pag-ibig.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, January 26, 2023, sumalang si Bea sa maaanghang at diretsahang tanong ng nagbabalik-Kapuso talk show host na si Boy Abunda.

Inusisa ni Boy si Bea tungkol sa magkaibang estado ng career nila ni Dominic.

Napansin daw kasi niyang may kanya-kanyang opinyon ang mga tao patungkol sa pagiging successful at big star ni Bea at pagiging working actor naman ni Dominic.

Napag-uusapan at may issue ba ito sa kanilang dalawa?

Sagot ni Bea, “Hindi, never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan.

“I mean, meron nga diyang iba ang ganda-ganda on paper, napagdaanan ko na yan, ang cute namin in paper pero hindi naman nagwo-work, di ba?

“Sa amin ni Dom, it was never an issue for me.”

Hindi raw maintindihan ni Bea kung bakit ang sukatan ng ibang tao pagdating sa pagpili ng mamahalin ay ang pagiging successful.

Sabi niya, “People, di ba, parang iba-iba yung basehan natin.

“People would always say to me, ‘Dapat nagde-date ka ng someone more successful than Dom or whatever.’ But how you really measure success?”

Salungat daw ito sa kanyang paniniwala kung bakit siya matagumpay.

Saad ni Bea, “[Ako ang measure ko], I’m successful because I am happy.”