DUBAI – Mula sa pagiging beauty queen, isa nang ganap na social media influencer si Pia Wurtzbach matapos siyang gawaran ng Global Fashion Influencer of the Year sa Awards Night ng Emigala 2024 sa Dubai noong April 28.
Ang Emigala ay isang star-studded red carpet at fashion awards ceremony na naglalayong parangalan ang iba’t ibang miyembro at kontribyutor sa industriya ng fashion at kagandahan, sa rehiyon at sa buong mundo.
Kaya isa na namang proud moment para sa mga Pilipino nang tanggapin ni Pia ang tropeo bilang Global Fashion Influencer of the Year.
Sa ekslusibong panayam ng TFC News kay Pia, anya, isang malaking karangalan ang mapabilang sa mga binigyan ng parangal ng Emigala 2024.
“Nakakatuwa kasi syempre kasisimula ko pa lamang sa fashion, nabigyan agad ako ng recognition, dito pa sa Dubai. Matagal-tagal na rin akong nakatira dito, mga 3 years na rin at hindi ko in-expect ever na mangyayari sa akin ito pero nakakatuwa dahil talagang sinubukan ko lang last year. Sabi ko sa sarili ko, I want to try something new, gusto kong gawin at namo-motivate ako lalo dahil nakakuha ako ng award, so, pagbubutihan ko pa at talagang gagalingan ko pa to make you proud mga kababayan ko,” pahayag ni Pia.
Muling nagningning ang kagandahan ng Miss Universe 2015 sa kaniyang kasuotan na gawa ng kilalang Dubai-based fashion designer na si Michael Cinco. Nauna nang nakatanggap ng award si Cinco noong 2021 bilang Designer of the Year. Ngayong, ika-apat na taon ng Emigala, isa sa mga presenter si Cinco.
“Well it makes me feel proud that there are so many Filipinos, not just in Dubai, but all over the world who are making a name and who are making the Philippines proud,” sabi ni Cinco.
Sa tatlong taong paninirahan ni Pia sa UAE, nakahanap siya ng kanyang pangalawang tirahan.
“I don;t get homesick whenever I’m here kasi napakaraming mga Pilipinong nakatira dito so kahit na medyo malayo sa Pilipinas, para pa rin akong nasa Pilipinas kasi marami akong nakakausap ng Tagalog, kung may nami-miss man akong pagkain, andito din yan and andito din naman yung warm Filipino hospitality. But I also love living here because napaka safe, maganda yun quality of life dito kaya naiintindihan ko rin kung bakit maraming Pilipinong nakatira dito at napakaraming opportunities din,” kuwento ni Pia.
Excited din na makihalubilo ni Pia ang mga Pinoy sa Dubai.
“Mga kababayan, yung iba sa inyo mga nakilala ko na sa mga pag-iikot ko sa mga malls at kung saan-saan man, sa mga hotels, so marami sa kanila ang nakilala ko na. Pero marami pa akong gustong makilala na mga kababayan natin so I’m glad to be here at to represent you guys, I hope I’m making you proud,” sabi ni Pia.
News
Pia Wurtzbach to auction Miss Universe gowns for a cause (nuna)
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Wurtzbach/Instagram Pia Wurtzbach is set to hold an auction featuring the gowns she has worn in her journey as a Miss Universe titleholder….
Pia Wurtzbach teases TV commercial shoot in US (nuna)
Pia Wurtzbach continues to make her mark as an endorser following her TV commercial shoot in the United States. On Instagram, the former Miss Universe gave her…
Pia Wurtzbach pens a ‘cheesy’ appreciation post for husband Jeremy Jauncey (nuna)
Former Miss Universe Pia Wurztbach turned to social media to share her appreciation post for her husband Jeremy Jauncey. In an Instagram post, the former beauty queen…
‘Special milestone’: Pia Wurtzbach looks back on first Paris Couture Week experience (nuna)
Pia Wurtzbach at Haute Couture Week in Paris. Wurtzbach/Instagram Pia Wurtzbach is filled with gratitude as she looked back on her first Haute Couture Week experience in Paris….
After Milan, Pia Wurtzbach heads to Paris for Fashion Week (nuna)
Pia Wurtzbach wears Balmain in Paris for Fashion Week. Wurtzbach/Instagram Pia Wurtzbach continues to grace events in Europe as she flies to Paris from Milan for Fashion Week….
Britney Spears disses Sabrina Carpenter’s ‘weird’ VMAs performance: ‘Why is she kissing an alien?’ (nuna)
Britney Spears watched a few clips from this year’s MTV Video Music Awards and revealed she wasn’t a fan of Sabrina Carpenter’s “weird” debut performance. “I didn’t watch the…
End of content
No more pages to load